Sabado, Agosto 30, 2014

N & H Coffee House






Ang simula....


"Success is not measured by what you accomplish, but by the opposition you have encountered, and the courage with which you have maintained the struggle against overwhelming odds."


 Sa simpleng pagkahilig lang namin ng kaibigan ko sa pag inom ng kape ang pinaka ugat ng aming napiling negosyo. 

Ako, kasama ang aking kaibigan na si Hector Fronda, ang nakaisip na itayo ang "N & H Coffee House". Ang N ay nagmula sa aking pangalan na Nicole at ang H naman ay mula sa pangalan ni Hector. 

Ako ang magsisilbing may-ari ng negosyong ito at si Hector naman ang itatalaga kong manager. Ang negosyo namin ay itatayo sa iba't ibang mall.

Ang N & H Coffee House ay isang restaurant kung saan ang pinaka specialty ay ang pag gawa ng iba't ibang klase ng mga kape.  Makakapili din ang mga pupunta dito ng mga pagkain na binabagay sa mga kape. Ang aming Coffee House ay nakasentro sa pagproduce ng mga kape at pagkain na magugustuhan ng mga tao. 


Sa pagpapatayo nito mangangailangan kami ng iba't ibang kagamitan katulad ng lamesa, upuan at iba pa na magpapakita ng temang "vintage" . 



Kailangan din ng mag susupply ng coffee beans. Sa ngayon ang naisip namin na ang Kape Isla ang magbibigay muna ng mga supply ng brewed coffee sa amin.

Mangangailangan din kami ng mga empleyado na may kakayahan sa pag gawa ng kape (barista) at marunong gumamit ng mga coffee machines.



Kailangan din namin ng mga chefs na marunong mag luto ng iba't ibang cuisine .At dahil isang coffee shop ang negosyo namin, ang mga pagkain dito ay kalimitang mga tinapay, cake at iba pang mga desserts. 






Kami'y hahanap din ng mga cashiers at mga waiters/waitresses na magsisilbi sa mga costumers.

Ang aming inaasahang kita siguro sa isang araw ay P 5,000 - P 10,000 . Bale kung sa isang buwan ay aabot siguro sa P 150,000 - P 300,000 .

Kung sakaling tangkilikin ito ng mga tao, gagawin namin ang lahat para makapagpatayo pa ng mga iba't ibang branches ng "N & H Coffee House"




N&H Coffee House